CHAT CAFÉ

Ang Brastel Chat Café isang free phone conferencing service na magagamit kahit anong oras ng sinuman, at hindi na kailangan pang dumaan sa operator.
  • Walang subscription o service fees maliban sa domestic charges para sa pagtawag sa isa sa aming access points.
  • Magagamit ang serbisyo mula sa anumang uri ng telepono.
  • Hindi kailangan na maging Brastel customer para ang serbisyo ay magamit.


3 SIMPLE STEPS


Pumili ng room password (kumbinasyon ng 6 na numero) at ipaalam sa ibang chat parties.
Tumawag sa isa sa mga access phone numbers na nasa ibaba at i-enter ang napiling room password:
Tokyo (03): 0 3 6 8 6 8 1 0 0 5
Osaka (06): 0 6 7 8 7 8 1 0 0 5
Nagoya: 0 5 2 7 6 6 1 0 0 5
Iba pang areas: 0 5 0 6 8 6 8 1 0 0 5

Maghintay para sa iba pang kasali na pumasok sa chat room. Sundan lamang ang step no.2 para makasali sa chat.
Ang service/session ay matatapos lamang kapag ang pinakahuling kasali ay nag-log out na sa chat room (ibinaba na ang telepono).

MAHALAGANG PAALALA
  • Kung tumatawag mula sa Tokyo (03), Osaka (06) o Nagoya, gamitin ang Free Less access number sa inyong area. Mula sa iba pang lugar sa Japan, gamitin ang 050-6868-1004. Ang domestic carriers ay karaniwang may fixed rates sa 050 numbers at hindi base sa distansya o oras ng tawag. Para sa mga partikular na rates sa 050 number o iba pang Free Less access numbers mula sa inyong phone, tumawag lamang sa inyong domestic carrier. Para sa mga FLIP users, ang numerong 050-6868-1004 ay walang charge.

  • Ang Brastel ay walang responsibilidad o kinalaman sa anumang nilalaman at kabuuan ng pag-uusap sa chat room at hindi mananagot sa anumang kawalan, pinsala o anumang isyu na nagmula o konektado sa paggamit ng serbisyong ito.

  • Ang Brastel ay hindi obligado ngunit may karapatang suriin o subaybayan ang nilalaman ng pag-uusap.

  • Dahil ito ay libreng serbisyo, ang Brastel ay di mananagot sa anumang uri ng problemang teknikal, kamalian, communication line failures, omission, at pagkaantala sa paggamit ng serbisyo .