INTERNATIONAL GIFT

International GiftNgayon, gamit ang inyong Brastel Card: Maaari nang maka-order ng shopping vouchers na ipadadala sa inyong pamilya at mga kaibigan na nasa ibang bansa!Birthdays, weddings, Mother’s Day, Father’s Day...
Kahit anong okasyon, ipadama ang inyong pagmamahal!


PARAAN NG PAG-ORDER

  • Mag-sign in sa My Account
  • Tumawag sa customer service

Para sa phone ordering, ibigay lamang ang sumusunod na impormasyon:

  • Card No.
  • Bansa kung saan nais ipadala ang vouchers
  • Pangalan ng store
  • Halaga at quantity ng vouchers
  • Pangalan, kumpletong address at phone number ng recipients
  • Mensahe na nais iparating

MAHALAGANG PAALALA 
  • Ang delivery charges ay kasama na sa halagang napili.

  • Ang recharges na ginawa sa pamamagitan ng credit cards ay hindi maaaring magamit sa pag-order ng vouchers.

  • Ang order ay maaari lamang sa nakarehistrong card na may sapat na balanse. 

  • Ang mga stores ay walang pananagutan sa mga katanungan, usaping pinansyal o anumang bagay na may kinalaman sa mga serbisyo ng Brastel Telecom.

  • Ang shopping vouchers ay maaaring ipadala saan mang lugar para sa napiling bansa subalit depende sa courier network, may mga lugar na ito ay maaaring hindi maipadala.

  • Maaaring i-type ang mensahe sa alphanumeric characters, Japanese at Thai characters.

  • Ang order ay mapoproseso sa susunod na working day mula sa araw na ginawa ang order request at maipadadala sa loob ng 1 hanggang 7 araw depende sa destinasyon..

  • Ang shopping vouchers ay hindi maaaring ma-refund at hindi maaaring ipalit ng cash.

  • Ang Brastel ay walang pananagutan kung mali ang address ng destinasyon na ibinigay ng customer.

  • Kung ang voucher(s) ay hindi maipadala dahil sa maling address ng destinasyon o limitasyon ng courier network, ang 90% ng kabuuang halagang ibinayad ay babalik sa inyong Brastel Card (ang 10% ay ibabawas bilang service charge).

  • Ang halaga sa yen ay maaaring magbago depende sa kalakarang palitan ng yen/peso.