COMPANY ACTIVITIES

Ang target ng marketing strategy ng Brastel ay ang mahigit 20 na komunidad sa bansang Japan. Sa pamamagitan ng impluwensya ng foreign medias tulad ng TV, radio, news paper, magazine at billboards at pati na rin ang paglahok sa iba't-ibang international events, ang company ay nag anunsyo ng mga serbisyo nito sa iba't ibang lengguahe. Bukod dito, Ang Brastel ay lumikha ng isang network para sa mahigit na 3,000 distributors upang magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa iba't-ibang mga foreign communities sa buong Japan at sa mga nakalipas na mga taon, ang kumpanya ay nakapokus sa mga serbisyo para sa small at medium sized corporations.

CONTRIBUTION TO SOCIETY


Ang Brastel ay tumutulong sa mga foreign communities sa Japan sa pamamagitan ng pagiging sponsor sa mga cultural at sports activities. Ang kumpanya ay dumadalo sa iba't-ibang social activities at nagbibigay ng support sa mga bansang nakaranas ng natural disaster.
Ang Brastel ay patuloy sa mga ganitong gawain upang mapalawak ang pagkakataon na magkaron ng komunikasyon sa mga dayuhang nakatira sa Japan at Japanese society.

Education Support

Sa pamamagitan ng Cambodian Student Association sa Japan, Ang Brastel ay sumusuporta sa pagtatatag ng "Kantrean Elementary School" sa Cambodia. Bilang karagdagan para sa pagdiriwang ng "Year Japan-Brazil of Exchange"-ika 100th taon ng Japanese immigration sa Brazil- ang Brastel ay nagdaos ng isang drawing contest para sa mga bata at adolescents at nag-imbita rin ng Brazilian artist na magsagawa ng isang painting workshop. Ang napiling disenyo sa drawing contest ay na-print sa isang special edition ng Brastel Card at ang bahagi ng revenue ay ginamit upang suportahan ang mga proyektong pang-edukasyon.




Bilang karagdagan sa pagdiriwang ng "Japan-Brazil Year of Exchange"—100th year of Japanese immigration to Brazil—ang Brastel ay nagsagawa ng drawing contest para sa mga bata at kabataan at nag-imbita ng Brazilian artist para sa isang painting workshop. Ang nanalong design sa drawing contest ay naprint sa isang special edition ng  Brastel Card at ang bahagi ng revenue ay ginamit sa pagsuporta sa educational projects.




Assistance to Disaster Areas

Noong 2004, ang Brastel ay nagsagawa ng "International Food Festival" , isang in-house charity event para matulungan ang mga biktima ng lindol  sa Sumatra. Ang kabuuang halaga ng mga naibenta ay pinamahagi sa mga biktima sa pamamagitan ng Red Cross.
Ang event na ito ay patuloy na isinagawa hanggang 2006 upang makapagpatayo ng elementary school sa Cambodia. Noong 2008, ang kumpanya ay bumisita sa China Embassy sa Japan at nag bigay ng  donasyon para sa mga biktima ng Sichuan earthquake.
Isa pang in-house fundraising ay ginanap noong 2009 upang matulungan ang mga biktima ng isang matinding pagbaha sa Pilipinas. Sa tulong ng mga lokal na kawani, Ang Brastel ay nagpadala ng mga donasyon, pagkain at aid supplies




Charity Activity

Mula pa 2009, Ang Brastel ay nakipagtulungan sa RESULTS Japan, isang nonprofit grassroots advocacy organizations at nagbigay ng bahagi ng kinita ng Brastel Card upang pondohan ang kanilang mga gawain. Nakatuon sa paglikha ng pampulitikang aspeto upang tapusin ang kahirapan sa pamamagitan ng pag-aaral, public events, mga media coverage, educational trips at pananaliksik, ang organisasyon ay nakakatanggap ng suporta mula sa mga kilalang tao sa buong mundo tulad ni US Secretary of State Hillary Clinton at ang dating Pangulo ng South Africa Nelson Mandela. Gayundin, sa pakikipagtulungan sa WFP (World Food Program), Ang Brastel ay sumuporta sa school meals para sa mga bata sa buong mundo mula noong 2004 at hangang 2009.