International at
domestic calls

App My050
Pinakamurang calling rates sa market

App para sa VoIP calls sa regular phone numbers sa Japan at buong mundo

  • Matatanggap ang tawag kahit walang internet connection! I-forward sa inyong mobile o fixed phone ang tawag mula inyong 050 number, sa Japan o kahit saan man.
  • Gumawa ng tawag mula sa inyong My 050 app sa reasonable domestic rate, ekahit kayo ay nasa ibang bansa. Kapag may tumawag sa inyo na nasa Japan, ida-dial lamang nila ang inyong 050 number (walang international prefix o country code) at bayaran lamang ang domestic rate.
  • Sa pagkakaroon ng 050 number, kayo ay makakagawa at makakatanggap ng tawag kahit ang gamit ninyo ay data-only SIM.
  • Magparehistro para sa 050 number bilang karagdagang numero sa inyong kasalukuyang current mobile line.
  • I-recharge ang inyong My 050 account via online o convenience store bago gamitin ang serbisyo.

※ Kapag tumatawag sa 0120 Free Dial number, ang inyong 050 number ay hindi ipapakita dahil sa technical specification. Samakatuwid, ang tawag ay hindi makokonekta kapag ang third party ay hindi tumatanggap ng hindi kilalang numero.
※※ Ang My 050 Number service ay hindi sinusuportahan ang SMS.
※※※ Hindi namin tinatanggap ang applications na ipinadala mula sa magkatulad na email address (maliban sa mga menor de edad) o applications na ang gamit ay disposable domain email addresses.

I-check ang aming rates

Destination number from the country code

paano gamitin

Ito ay mabilis at madali!

application at maintenance fees!

Para lamang sa users na may My 050 number

Fees (non-refundable, tax included):
Application fee: ¥550.
Maintenance fee: ¥550 every six months.

Kayo ay aming bibigyan ng My 050 number pagkatapos naming ma-validate ang inyong application. Ang detalye ng kontrata ay inyong matatanggap via email. Kayo ay magkakaroon ng 5 free minutes at kailangang gamitin ito sa loob ng 8 araw bilang pang-test sa incoming at outgoing calls ng inyong terminal at internet environment.

Ang application fee, kasama ang unang maintenance fee ay ibabawas sa ika-9 na araw matapos ma-validate ang application at makakuha ng 050 number. Ang susunod na maintenance fee ay sisingilin sa due date sa katapusan ng bawat billing period (tuwing ika-6 na buwan). Ang mga fees ay parehong ibabawas sa balanse ng Brastel account ng customer.

Important! Ang inyong 050 number ay pansamantalang made-deactivate kapag walang sapat na balanse ang inyong account at kayo ay hindi makakagawa ng tawag o makakatanggap ng incoming calls. Kapag ni-recharge ninyo ang inyong Brastel account at ito ay may sapat na balanse para ibawas ang maintenance fee, ang inyong account ay awtomatikong mare-reactivate. Kung sa loob ng anim na buwan at ang inyong 050 number ay nanatiling deactivated, ang inyong kontrata ay ma-eexpire. At kapag ito ay na-expire, kayo ay kailangang mag-apply muli para sa bagong Brastel account upang magkaroon ng bagong 050 number.
※Kapag ni-recharge ang inyong account sa pamamagitan ng credit transfer matapos ma-deactivate ang inyong My 050 number, ang application at maintenance fees ay hindi awtomatikong maibabawas, kaya't makipag-ugnayan sa aming customer service upang ma-activate ang inyong account.

My 050 IP-number
...

Magkaroon ng 050 number via My Account Page:
- Basahin at sumang-ayon sa terms at conditions ng serbisyo.
- Pindutin ang APPLY button.

...

Beripikahin ang inyong identity (eKYC):
- Kuhanan ng litrato ang inyong ID.
- Mag-selfie.

...

Ipadala ang inyong JUMINHYO sa amin:
[Brastel Telecom My 050]
130-0015 Tokyo-to,
Sumida-ku, Yokoami 2-6-2 2F
Mahalagang Paalala:
- Na-issue ng huling 6 months.
- Para sa foreign nationals, i-print ang inyong Zairyu card number sa certificate kung kayo ay walang My Number..

...

Para sa mga naaprubahang applications, kami ay mag-iissue ng number at ipapadala ang detalye ng contract via email.

Para magkaroon ng 050 IP number, ang inyong identity ay kailangang beripikahin sa pamamagitan ng isa sa mga Identification Documents (ID) sa ibaba .

  • Japanese nationals: Driver's License (harap at likod na bahagi) O My Number Card (harapang bahagi);
  • Non-Japanese nationals: Residence Card (Zairyu Card, harap at likod na bahagi; nakasulat ang inyong kasalukuyang address);
  • Para sa Short-term visitors sa Japan: Passport (pahina na naglalaman ng personal information at visa/entry stamp)

Ang kopya ng mga ID ay kailangang malinaw, nababasa at ang ID expiration date ay kailangang mahigit sa 30 days bago ang application date. Kung hindi, ang inyong application ay hindi mapoproseso.

Paalala: ang My 050 Number ay amin lamang ibibigay kapag naging matagumpay ang proseso ng pag-verify ng inyong ID at ito ay tatagal ng ilang araw. Maaari rin kaming humingi ng karagdagang dokumento o selfie photo o hilingin na muli ninyong ipadala ang inyong ID kung ito ay hindi namin mabasa.


  • Ang applications para sa third parties (maliban sa kaso ng mga menor de edad), ay hindi namin tinatanggap. Upang makapag-apply sa serbisyong ito para sa mga menor de edad, kailangang ipadala ang valid ID ng minor at ang consent form ng magulang o legal guardian.
  • Ang My050 service ay limitado sa isang numero bawat tao.
  • Ipinagbabawal ng Company ang mga sumusunod mula sa mga users kapag ginagamit ang serbisyong ito: paggamit o pagtatangkang gamitin ang 050 IP number sa ibang pamamaraan maliban sa nakasaad at/o itinakda ng serbisyo (kabilang, subalit hindi limitado sa commercial na gamit bilang office telephone number, internal extension, o call center number).
  • Hindi namin tinatanggap ang applications na ipinadala mula sa magkatulad na email address (maliban sa mga menor de edad) o applications na ang gamit ay disposable domain email addresses.

Mga hakbang para maiwasan ang maling paggamit ng IP phone services.

Batay sa mga tuntunin ng paggamit, ang My 050 IP phone service ay maaaring suspindihin ng Brastel upang maiwasan ang pang-aabuso ng third party, o maiwasan ang paggamit ng mga 050 number na nakuha sa mapanlinlang na pamamaraan para gumawa ng krimen o mga gawain na maaaring maging dahilan ng krimen.

Pinaplano naming magsagawa ng "new user information registration scheme" upang maiwasan ang maling paggamit ng serbisyo, at patuloy ang aming pagsusumikap upang maiwasan ang paggamit ng mga IP phone numbers na nakuha sa mapanlinlang na pamamaraan sa paggawa ng mga illegal na aktibidad.

Message board